Sabado, Pebrero 21, 2015

florante at laura

Haimbawa ng Teoryang Klasismo
Ang florante at Laura ay ag walang kamatayang akda ng tunay na pag-ibig na isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar at patuloy na nagppalusog at dumidingal sa lahing Pilipino.
Isang nobelang patula na puno ng matatalinghagang kaisipan at malalim na kahulugan nanagpapahiwatig ng kahabag-habag na kalagayan n gating lipunan na nooy nasa kapangyarihan ng mga Kastila.
 MGA TAUHAN
·         Florante – bida sa kwento, anak ni Duke Brisco
·         Laura – anak ni Haring Linseo, iniibig ni Florante
·         Aladin – anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, nagligtas kay Florante laban sa 2 leon
·         Flerida – iniibig ni Aladin, nagligtas kay Laura laban kay Adolfo
·         Adolfo – kalaban ni Florante sa kwento
·         Haring Linseo – hari ng Albanya at ama ni Laura
·         Duke Brisco – duke ng Albanya at ama ni Florante
·         Prinsesa Floresca – prinsesa ng Krotona at ina ni Florante
·         Menandro – matalik na kaibigan ni Florante at tumulong sa mga laban ni Florante sa pagligtas sa Albanya
·         Antenor – guro ni Florante sa Atenas
·         Menalipo – pinsan ni Florante
·         Konde Sileno – ama ni Adolfo

BUOD NG FLORANTE AT LAURA
Sa gitna ng gubat ay may isang lalaking nagngangalang Florante na nakagapos sa puno ng Higera. Naghihinagpis siya dahil sa kinasapitan ng Albanya at sa pagkasawi niya sa pag-ibig. Dahil dito’y nawalan siya ng malay. Dalawang leon ang nagbabalak na siya ay silain ngunit dumating si Aladin na nagligtas sa kanya. Nung una’y hindi natuwa si Florante sa pagkakaligtas sa kanya nito, ngunit sa huli’y tinanggap niya ang pakikipagkaibigan nito. Isinalaysay ni Florante ang buhay niya, simula sa kanyang kabataan. Ang pagmamahal ng mga magulang at ang nagging paganib niya sa buhay tulad ng minsa’y muntik na siyang dagitin ng isang buwitre at ang pagkuha ng alko sa kupidong diamante.
Sa gulang na 11 ay pinadala siya sa Atenas upng mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Nakilala niya si Adolfo na sa simula pa lang ay hindi na niya nagging kaibigan. Nang madaig niya si Adolfo ay tinangka siyang patayin nito sa isang dula.
Isang araw ay nakatanggap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina na kanyang ikinalungkot. Makalipas ang ilang buwan ay nakatanggap siya muli ng sulat tungkol sa pangangailangan niyang umuwi.
Sa Albanya’y pinatawag si Duke Brisco ni Haring Linseo dahil sinalakay dawn g mga Persyano ang Krotona. Ginawa niyang heneral si Florante at nagpulong sila. Sa 3 araw na piging ay nakilala ni Florante si Laura, na agad niyang iniibig. Nang paalis na siya upang lumaban ay nakausap niya ito. Nabawi niya ang Krotona at pagkalipas ng 5 buwan ay bumalik sila ng Albanya na nakubkob ng mga Moro.
Nabawi nila muli ang Albanya. Sa muling pakikipagdigma ni Florante sa Etolya ay nakatanggap siya ng sulat na nagsasabing umuwi na siya. Ngunit patibong ito ni Adolfo. Pinatay niya sina Haring Linseo at mga konseho nito. Pagdating ni Florante sa Albanya ay hinuli siya at binilanggo. Nalaman niyang patay na sina Duke Brisco at pumayag daw na magpakasal si Laura kay Adolfo. Makalipas ang 18 araw ay ginapos siya sa gitna ng gubat.
Pagkatapos ng salaysay ni Florante, si Aladin naman ang nagkwento. Inagaw ng kanyang ama si Flerida at binalak pa siyang papugutan ng ulo dahil sa pag-iwan sa hukbo sa Albanya. Pumayag si Flireda na makasal kay Sultan Ali-Adab upang hindi patayin si Aladin. Pinaalis naq lamang siya ng kaharian at hindi na maaring bumalik.
Habang nag-uusap sina Florante at Aladin ay may narinig silang 2 babaeng nag-uusap. Nalaman nilang sina Flerida at Laura pala ang 2 iyon. Si Flerida ay tumakas sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit gerero at dumaan sa bintana dahil parang kamatayan na sa kanya ang kasal  nila ni Sultan Ali-Adab.

Si Laura naman ay dinala ni Adolfo sa gubat upang pagsamantalahan. Dumating si Flerida at pinana si Adolfo na siyang kinamatay nito. Dumating si Menandro at binalitang nabawi na nila ang Albanya. Nagging maligaya sila lalo na si Florante dahil nalaman niyang hindi siya pinagtaksilan ni Laura.

1 komento: